Sunday, March 18, 2007

buhay pa ako.

sa umagang ito, gigising siya muli. hindi sa kaniyang pagtulog, kundi sa katotohanan. tapos na ang mga araw ng pagsasaya. oo, tapos na. nakapagpahinga, este nakahinga nang maluwag, na siya (ang paglabas ay hindi kasama sa pahinga. pahinga ang paghiga sa kama buong araw nang walang ginagawa kundi kumain lamang kung kailangan). isa't kalahating araw ng paghinga nang maluwag, mahaba na iyon. oo, mahaba na iyon. kailangan na niyang bumalik sa katotohanan. sa realidad. kailangan na niyang magtrabaho muli. hay nako. kakayanin kaya niya ito? oo. kakayanin niya ito. aba, dapat lang.

lahat ng tao kailangan ang magpahinga. kailangang makaranas ng kahit konting saya. kahit panandalian lamang. upang makalimot, makahinga, makaranas ng buhay. oo, buhay.

No comments: