minsan may mga bagay na masmasarap talaga sabihin sa tunay kong lenguahe. tulad na lamang ng salitang tamad...hindi lang talaga kaya tapatan ng salitang lazy ang salitang tamad. mas may dating kasi kapag orig...kapag tunay...mas may tama sa puso...madamdamin. Siguro depende na lamang talaga sa gusto kong sabihin. ang hindi ko masabi sa ingles, tinatagalog ko. ang hindi ko masabi sa tagalog, iniingles ko naman. 'eto ang hirap kapag dalawa ang natutunan mong lenguahe. ayan tuloy, conyo ang labas ko. tulad ngayon. gusto kong sabihin na tinatamad ako...pero parang hindi kasi bagay kung sasabihin ko lang na i'm feeling lazy. tila bang hindi tugma, hindi sapul, hindi swak. pareho lang naman ang ibig sabihin pero iba talaga ang dating. kaya nga hindi ako nagingles ngayon. O ayan, nasabi ko na. tinatamad ako. ilang beses na ako nagisip ng kung ano ang aking gagawin. linaan ko pa nga sa aking utak ang ayos ng aking mga aktibidades. sabi ko: 'eto ang gagawin ko. ngunit bakit hindi ko sila nagawa? bakit hindi ako nag-push through? nag-follow through? ayan. sabi ko sayo eh...may pagkaconyo na ako. hawa na rin siguro sa kultura ng mga eskwelahang pinasukan at pinapasukan ko. nauwi ang mga plano ko sa walang iba kundi munting pagtulog, pagkain, at pagnuod ng sandamakmak na telebisyon. may pasingit pang sine na jackie chan sa dulo na ala kung fu. higa-kain-higa-nuod-higa. may mga bagay na kailangan kong gawin...mga nais gawin...pero hindi nakayanang gawin. bakit? bakit kamo? kasi nga...ti-na-ta-mad-a-ko. hay nako. nakakainis. may mga bagay lang talaga sa mundo na masmadaling sabihin kaysa gawin. pasensya na lang sa mga hindi nakakaintindi. maglabas nalang kayo ng diksyunaryong pilipino-ingles kung sakasakali.
2 comments:
Anak, ni minsan kitang inisip na tamad. pero kung sinasabi mo na tamad ka, isa lang ang masasabi ko...isa kang magaling at masipag na tamad.
but i know what you mean when you say you know that you've got lots of things to do pero wala kang ginagawa... believe me, I know.
Feeling ko...ako ang tamad hindi ikaw.
if only you were never given up for adoption...
Post a Comment