Friday, October 6, 2006

mournday fryday

may mga araw lang talaga na walang kwenta. parang, bumangon ka...tapos wala. wala lang talaga. mabigat ang loob at may gumugulo sa isipang hindi mo mabigyang kahulugan. hindi ko lubos maisip kung bakit hindi ko nga ba manlamang nakayanang ngumiti...kung ngumiti man, ah eh, peke lang un. syempre nakakahiya sa kaibigan kong bumabati sa'kin. tuwing katahimikan naman o di kaya ay walang kausap, dumadagsa lalo ang kabigatan...minsan pa nga ay may gumigilid nang mga luha. kalungkutan...may mga araw lang talaga.

1 comment:

exskindiver said...

anak, on days like these, it would be a good idea to channel the crisostomo blood in you.