Minsan ay nakatagpo ako ng larawan. Oo, napatigil ako at napangiti. Isa-isa kong pinagmasdan ang mga mukhang naging bahagi ng buhay ko…nakakalungkot isipin na halos hindi ko na sila nakikita ni nakakausap. Ang kahapon ay nanatili na isang kahapon at hindi na nagpatuloy pa. Mga ngiti nila’y mga matatamis na ala-ala…tawanang hinding-hindi makakalimutan. Habang sila’y pinagmamasdan, mga luha ko’y napagilid na sa aking mga mata. Konti na lang ay tutulo na. Alam ko, oo, drama. Pero totoo itong nangyari…
Miss na miss ko na kayo iv-4…sana’y magkita pa tayo lahat muli. kumpleto. buo. Naghihintay lang ako.
No comments:
Post a Comment